Alab ng Puso: UP Public Service Day

Sa pagsisimula ng Buwan ng Unibersidad 2026, maglalagablab na ang mga pusong tumitibok para sa serbisyo publiko! ❤️🔥
Ating tunghayan ang iba’t ibang public service initiatives mula sa constituent universities ng University of the Philippines na kanilang iuulat live mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Bahagi ang Alab ng Puso ng Buwan ng Unibersidad, isang buwang paggunita sa dangal, husay, at serbisyo publiko ng UP, kabilang ang pagkilala sa mga natatanging miyembro ng komunidad na nagsasabuhay ng mga adhikaing ito.
📅 18 Hunyo 2026
🕙 10:00 AM – 11:30 AM
🔴 Live sa opisyal na Facebook at Youtube page ng Padayon UP Public Service Office, Radyo DZLB Ang Tinig ng Kaunlaran, TVUP, DZUP, DYUP 102.7 FM, at DYUP Sugbo.
Source: Padayon UP Public Service Office Facebook