Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

CineElbi 2026: Hit Wave

April 28 - April 30



Kagatin mo ang mga kamay na hindi nag-aaruga kundi nagkukulong sa iyo. Sa kulungang iyon mo matututunan na hasain ang iyong mga pangil at manlaban sa mga haliging humihila sa iyo pababa.

Inihahandog ng UP Film Circle, katuwang ang UPLB Office for Initiatives in Culture and the Arts, ang CineElbi 2026: Hit Wave. Tampok ang limang pelikula mula sa Cinemalaya 2025 na naglalayong mas pasiklabin ang nag-iinit na panawagan ng taumbayan para sa tunay na katarungan at kalayaan.

Sa darating na ika-28 hanggang ika-30 ng Abril, sama-sama nating tunghayan ang patuloy na pakikibaka ng mga Pilipinong manggagawa, magsasaka, at kababaihan—at kung paano nila nilalabanan ang karahasan ng isang mapang-abusong sistema.

Huwag hayaang humupa ang rumaragasang alon ng pakikibaka ng sambayanang Pilipino, paigtingin at palakasin.

🗓️Abril 28-30, 2026
📍NCAS Auditorium, UPLB

🌊 Day 1
Abril 28, 2026
7:00 PM – “Bloom Where You Are Planted” ni Noni Abao

🌊 Day 2
Abril 29, 2026
4:00 PM – “Paglilitis” ni Cheska Marfori
7:00 PM – “Raging” in Ryan Machado

🌊 Day 3
Abril 30, 2026
4:00 PM – “Republika ng Pipolipinas” ni Renei Dimla
7:00 PM – “Padamlagan” ni Jenn Romano

🎟️Presyo ng Ticket:
Php 120 – Estudyante, PWD, o Senior Citizen
Php 150 – Regular
Php 500 – Festival Pass

Mabibili ang mga tiket gamit ang link na ito:
📝https://bit.ly/CineElbi2026

Source: CineElbi Facebook

Details

  • Start: April 28
  • End: April 30