Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

“Tara, G: Pagsulat at Pagdisenyo ng mga Larong Tabletop at Point-and-Click Adventure sa Filipino”

April 26 @ 9:00 am - 4:00 pm



MAGPATALA NA!

Sa patuloy na pagsusulong sa Patakarang Pangwika ng UP para sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, pananaliksik, publikasyon, at opisyal na komunikasyon, binubuksan ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) ang rehistrasyon para sa panibagong Pasinati: Pagsasanay sa Wika, Teorya, at Metodolohiya na “Tara, G: Pagsulat at Pagdisenyo ng mga Larong Tabletop at Point-and-Click Adventure sa Filipino.”

Gaganapin ito sa 26 Abril 2025 (Sabado) 9:00 nu – 4:00 nh sa pamamagitan ng Zoom.

Nilalalayon ng lektura-palihang ito na talakayin ang pagsusulat at pagdidisenyo ng mga larong tabletop at point-and-click adventure sa Filipino sa konteksto ng pagtuturo at paglalahad ng naratibo.

Para sa mga interesadong lumahok sa pagsasanay, magpatala lamang sa pamamagitan ng pag-scan sa QR Code o pag-akses sa link bit.ly/Pasinati9_26Abril.

Limitado lamang ang slot ng workshop para matiyak na produktibo ang palihan.

Antabayanan ang paanyaya sa inyong email para sa mga mapipiling kalahok.

Source: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman Facebook

Details

  • Date: April 26
  • Time:
    9:00 am - 4:00 pm